Paano Magagamit Ang Isip At Damdamin At Kilos Sa Pagbuo Ng Akademikong Sulatin? (Sagot)
ISIP, DAMDAMIN AT KILOS – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin magagamit ang ating isip, damdamin, at kilos sa paggawa ng isang akademikong sulatin.
Ang isang akademikong sulatin ay mahalagang gawain lalo na kapag ikaw ay isang estudyante. Ito ay nagtatalakay sa isang problema sa lipunan at ang mga posibleng hakbang para ito’y mabigyan ng solusyon.
Pero, ating tandaan na ang isa sa mga katangian ng akademikong sulatin ay ang taglay nitong mga impormasyon at datus na nakakapagbigay sa atin ng talas ng isipan. Sa pagbuo ng isang akademikong sulatin, kailangan una sa lahat ang ating isipan para ating matitignan ng lohikal ang mga datus.
Samantala, ginagamit natin ang ating damdamin dahil sa ating kagustuhang ma bigyan solusyon ang isang problema ng ating lipunan. Kapag tayo’y personal na may gustong pagbutihin ang isang bagay o solusyunan ang isang problema, mas makakakita tayo ng paraan upang magawa ang ating mga mithiin.
Panghuli, ang ating kilos ang magiging batayan kung tayo nga ba ay desido sa pagtuklas ng solusyon para sa problema. Dito na napapasok ang damdamin, isip, at kilos sa pagbuo ng isang akademikong sulatin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Salitang Nagpapahayag Ng Damdamin – Halimbawa At Kahulugan