Share to Facebook Share to Twitter More...

Ano Ang Pinagmulan Ng Palay? Buod At Aral Ng Alamat

PINAGMULAN NG PALAY – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang buod ng kwento “Ang Pinagmulan Ng Palay” at ang aral nito.

Ang palay ay hindi lamang parte ng pagkain ng mga Pilipino. Ito ay isang mahalagang parte ng ating kultura at kasaysayan. Heto ang isang alamat tungkol sa pinanggalingan nito.

Ang Pinagmulan Ng Palay – Buod At Gintong Aral Ng Kwento

Dati, ang mga tao walang palay. Ang pagkain nila ay gulay, bungang-kahoy, isda at mga hayop. Sila ay nangangaso sa kagubatan at nangunguha ng bungang-kahoy sa parang. Kahit simple lamang ang kanilang pamumuhay, sila ay maligaya.

Pero dahil sa patuloy na pangangaso, unti-unting nawala ang mga hayop kaya nalungot ang mga tao. Ang mga lalaking nangangaso sa bundok ay na pagod na at gutom na gutom. Habang nagpapahinga, sila’y binisitahan ng mga magagandang dalaga.

Sila pala ay mga makapangyarihang enkantanda na mga magagalang. Pumunta sila sa yungib na tahanan ng mga enkantada. Dito nila na kilala ang Reyna at sila’y nag-awitan at nagsayaw. May malaking kainan rin at may nakita silang pagkain na puting-puti.

Nang pauwi na ang mga mangangaso, sila’y binigyan ng reyna ng butil.

Kayo’y bibigyan ko ng butil. Ito ay itanim ninyo sa tag-ulan. Alam kong kayo ay mabubuti kaya iyan ay sisibol. Iyan ay mamumunga. Anihin ninyo ang bunga.“, sabi ng Reyna. Pagkatapos nito, sinunod ng mga mangangaso ang payo ng Reyna at nakain nila ang kauna-unahang kanin sa daigdig.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Reyna Ng Sarswela – Sino Ang Reyna Ng Sarswela? (Sagot)

Share to Facebook Share to Twitter More...

comment(s) for this post "Ang Pinagmulan Ng Palay – Buod At Gintong Aral Ng Kwento". Tell us what you think abut this post by leaving your comments below.

{ 0 comments… add one }

Leave a Comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.