Ano Ang Mga Proseso Ng Pagsulat Ng Teksto? (Sagot)
PAGSULAT NG TEKSTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng proseso ng pagsulat ng teksto.
Maraming uri ng teksto tayong makikita. Pero, lahat ng mga teksto ay may sinusunod na pormat na nagbibigay daan para sa isang mabuti at madaling pagbabasa ng mga madla.
May tatlong pangunahing bahagi ang karamihan sa mga teksto na ating makikita. Ito ang:
- Panimula
- Dapat na bigyang liwanag ang panimula sa paksang tinatalakay sa isang teksto. Ang bahaging ito ay mahalaga dahil ito ang nagiging basehan ng mga mambabasa kung sila ay magiging interesado sa sulatin. Kaya naman, dapat itong gawing kawili-wili.
- Katawan
- Matatagpuan ang wastong paglalahad ng mga impormasyon at opinyong nais na ilarawan ng may akda. Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang madaling ma intindihan ng tagapag-basa ang teksto.
- Wakas
- Dapat isaalang-alang ng manunulat ang paggawa ng wakas para makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng madla na maaaring magtaguyod ng buod sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng isang makabuluhang ideya at repleksiyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Aspektong Kultural? Kahulugan At Halimbawa Nito