Ano Ang Aspektong Kultural? (Sagot)
ASPEKTONG KULTURAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tinatawag na aspektong kultural at ang mga halimbawa nito.
Ang pondasyon ng ating aspektong kultural ay ang mga simbolo, wika, pamantayan, halaga, at mga artipakto. Heto ang mga elemento ng kultura na ating dapat malaman:
- Kasaysayan
- Pamahalaan
- Ekonomiya
- Wika
- Relihiyon
- Sining
- Mga Grupo sa Panlipunan
Kasaysayan – Ang kasaysayan ng isang kultura ay nakadepende sa mga pangyayaring naganap sa isang espesipikong lugar at sa mga karanasan ng mga taong naninirahan dito. Ang kasaysayan ay mahalagang aspekton ng kultura dahil ito ang nagsisilbing salamin sa nakaraan.
Pamahalaan – Para maging mapayapa ang isang lugar, kailangan ng isang magaling na pamahalaan na ang pangunahing layunin ay ang mapabuti ang pamumuhay ng tao, lalo na ang mga mahihirap.
Ekonomiya – Ito ang nagsisilbing batayan ng pag-uunlad ng isang lipunan. Kapag mataas ang antas ng ating ekonomiya, nakikinabang rin ang mga residente ng isang lipunan.
Relihiyon – Ang relihiyon at kultura ay isa sa pinakamahalagang pondasyon ng ating lipunan. Ang kultura ng mga Pilipino ay may malaking kapit sa relihiyon na dinala ng mga Espanya.
Sining – Mahalagang elemento ang sining dahil ito’y nagbibigay buhay sa ating kasaysayan at kultura.
Mga Grupo sa Panlipunan – Bukod sa pamahalaan, ang mga grupo sa lipunan ay tumutulong na ipaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: May Lason Ang Isip – Kahulugan At Halimbawa Ng Paggamit Nito