Ano Ang Kahulugan Ng Tekstong Deskriptibo? (Sagot)
TEKSTONG DESKRIPTIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang tekstong deskriptibo ay uri ng paglalahad at ginagawa sa gamit ang mahusay na eksposisyon. Naglalarawan ito sa mga tao, bagay, pook, o kaya’y mga pangyayari. Ang layunin ng tekstong ito ay ang maipahiwatig ng detalyado ang imahen na makapupukaw sa kaisipan at emosyon ng mga mambabasa.
Kadalasan, malimit tayong makakakita ng mga imahen sa mga libro nating binabasa. Kaya naman, epektibo ang isang tekstong naratibo upang maipinta sa ating kaisipan ang mga pangyayari gamit ang detalyadong uri ng pagsusulat.
May dalawang uri ang tekstong deskriptibo:
- Karaniwan
- Nagbibigay ng impormasyon ayun sa pangkalahatang pagtingin at pangmalas.
- Masining
- Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay,tayutay at idyoma.
Heto ang isang halimbawa:
Maganda si Eva, Hugis mamon ang kanyang mukha at may mamula-mulang pisngi at labi. Siya rin ay may dimples at may matangos na Ilong. Ang kanyang mga kilay ay makapal at ang kulay ng mata niya’y berde. Mahaba ang kanyang buhok na abot hanggang balikat na kinulayan niya ng asul. Siya ay matangkad at may balingkinitang katawan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Sino Ang Mga Bourgeoisie? – Halimbawa At Kahulugan