Ano Ang Ugnayan Ng Tao At Kapaligiran? (Sagot)
TAO AT KAPALIGIRAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ugnayan ng tao sa ating kapaligiran at ang mga halimbawa nito.
Ang mga tao ay isa sa mga nilikha ng Diyos, katulad lamang ng ating kapaligiran, ang ating inang kalikasan, at ang lahat ng bagay na nakasakop dito. Dahil tayong lahat ay gawa ng Diyos, may responsibilidad tayo na pangalagaan ang mga gawa niya dahil ginawa ito ng Diyos para mapakinabangan natin.
Ang mga tao lamang ang may kakayahang makapag-isip. Pero minsan, mas iniisip ng mga tao ang sarili bago ang kapaligiran. Samantala, ang kapaligiran naman ay tumutukoy sa isang lugar na kinabibilangan o tinitirhan ng mga tao.
Pero, dahil sa kasakiman ng mga tao, inaabuso na nito ang bigay ng Diyos na kapaligiran. Kaya naman, bilang mga tao, tayo dapat ang may kakayahan na pagyamanin kung ano man ang meron sa ating kapaligiran.
Kailangan ng tao na alagaan at pagyamanin ang kapaligiran sapagkat nasa kapaligiran ang kaniyang mga kailangan upang mabuhay. Ibig sabihin, kailangan ng kapaligiran ang tao upang mabuhay ng mapayaba at manatiling “sustainable” ang ating pamumuhay.
Ating tandaan na kaya ng kapaligiran na mabuhay ng mag-isa at hindi nila kailangan ng tao upang bumalik sa dati nitong kaanyuan. Pero, kapag patuloy na sinisira ng tao ang inang kalikasan, babalik rin sa atin ang mga masasamang epekto ng ating kasakiman.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Madulang Kwento Halimbawa At Kahulugan – Madulang Pangyayari