Madulang Kwento Halimbawa At Kahulugan – Madulang Pangyayari

Ano Ang Kahulugan Ng Madulang Kwento At Mga Halimbawa Nito? (Sagot)

MADULANG KWENTO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng madulang kwento at ang mga halimbawa nito.

Ang kwento ng madulang pangyayari ay isang uri ng pangyayari na totoong kapunapuna at makabuluhan. Ito rin ay nagbubunga ng isang biglaan at kakaibang pagbabago sa kapalaran ng mga tauhang nasasangkot. Maaari itong making makakatotohanang kwento o kaya’y gawang sining lamang.

Madulang Kwento Halimbawa At Kahulugan – Madulang Pangyayari

Isa sa pinaka-tanyag na halimbawa nito ay makikita sa mga Nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El FIlibusterismo. Ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere na si Crisostomo Ibarra ay isang taong may simple na pakay lamang sa buhay.

Nagkaroon ito ng pagmamahal sa isang binatang babae na si Maria Clara. Ngunit, nakita niya kung paano naabuso ang mga tao ng mga masasamang Kastila at Prayle. Kaya naman, umiba bigla ang perspektibo nito sa buhay. Tinangka siyang patayin ngunit ito ay nabuhay sa tulong ng isang kaibigan.

Pagbalik nito sa El Filibusterismo, siya na ay kilala bilang si Simoun, isang mangangalakal na may balak na patumbahin ang sistemang nagdulot sa kanya ng lubos na paghihinagpis.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Paano Gumawa Ng Venn Diagram – Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment