Bakit Nasa Pagkakaisa Ang Tagumpay? (Sagot)
PAGKAKAISA AT TAGUMPAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba nasa pagkakaisa ang tagumpay at ang kahulugan nito.
Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay mas mabuti kapag ang mga tao’y magkakasama at magkaisa. Bilang isang miyembro ng lipunan, dapat makiisa tayo sa mga programa na nagbibigay ng pangkalahatang benepisyo.
Bukod dito, alam nating lahat na mayroong lakas sa marami. Sa Ingles, tinatawag ito na “strength in numbers”. Karagdagan, ang pagkakaisa ay mahalaga para sa bawat lakad ng ating buhay.
Sa panahon ngayon, madali lamang na manira ng ibang tao. Pero, mas makakabuti para sa sarili at para sa iba kapag tayo’y magtutulungan na lamang. Bilang mga tao, tayo ay likas na sosyal, dahi lsa pagkakaisa ng mga tao, ang mga sinaunang mga tao ay nabuhay namayapa.
Dapat rin nating tandaan na lahat tayo ay may indibidwal na kakayahan at mga kahinaan. Kaya naman, dapat tayong magkaisa upang ang mga kahinaan natin ay mabibigyan tulong ng ibang tao at tayo rin sa kanila.
Kung nais nating maging matagumpay at manatiling mapayapa at maunlad ang buhay, mahalaga na pagtagumpayan ang anumang napansin na pagkakaiba na mayroon tayo sa ibang tao.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakatulad Ng GNI At GDP – Halimbawa At Kahlugan Nito