Ano Ang Mga Katangian Ni Kapitan Tiyago? (Sagot)
KAPITAN TIYAGO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng katangian ni Kapitan Tiyago.
Si Kapitan Tiyago ay isa sa pinaka kilalang tauhan sa nobela ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang buong pangalan nito ay si Don Santiago Delos Santos.
May pera si Kapitan Tiyago at malapit ang maraming mga prayle sa kanya. Bukod dito, lagi siyang nagbibigay ng donasyon sa simbahan. Kaya naman, para sa iba, nakikita nila si Kapitan Tiyago bilang taong kayang bilhin ang kabanalan. Si Tiyago ay masasabing relihiyoso dahil marami siyang mga santo sa loob ng kanyang tahanan.
Ang kanyang kaanyuan naman ay pandak at hindi masyadong maputi. Pero, napangasawa niya ang isang magandang dalaga na nagngangalang Pia Alba.
Siya rin ay masapig lalo na sa kanyang trabaho. Hindi likas na mayaman si Tiyago. Sa katunayan, hindi siya nakapagtapos ng kanyang pag-aaral dahil sa kakuriputan ng kanyang ama.
Dahil sa kanyang mga ka kilala, pera, at pagkalapit sa mga residente, si Kapitan Tiyago ay isa sa mga maimpluwensiyang tao sa Binundok katulad lamang ng ama ni Crisostomo Ibarra na si Don Ragael Ibarra.
Ang tanging pagkakaiba ng magkaibigang Don Rafael at Kapitan Tiyago ay ang pakikipagkasundo at paniniwala sa mga kurang Kastila. Si Kapitan Tiyago ay tila madaling sumunod sa mga Kastila. Samantala, si Don Rafael naman ay naging mabagsik na kalaban sapagkat siya ay itinuring na isang erehe at pilibustero.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Nasa Pagkakaisa Ang Tagumpay – Kahulugan Ng Kasabihan