Ano Ang Layunin Ng Isang Proposal? (Sagot)
PROPOSAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang layunin ng isang proposal at ang mga halimbawa nito.
Kapag sinabi nating proposal, dalawa ang maaaring maging kahulugan nito. Una, puwede itong ilarawan sa isang lalaki na maybalak na kunin ang kamay ng kanyang mahal sa buhay para sa isang kasal. Pero, maaari rin itong maging isang plano na ipinapakita para sa iba, kadalasan sa mga kliyente.
Ang pangunahing layunin ng panukalang proyekto o “proposal sa Ingles” ay ang makuha ang kliyente na bumili ng iyong mga serbisyo o produkto. Sa gayon, ang mga panukala sa proyekto ay isang mahusay na paraan upang masigurado ang pagpopondo, maka-kuha ng mga bagong kliyente, o kumbinsihin ang mga opisyal na maglaan ng mga mapagkukunan ng pondo para dito.
Bukod dito, ang proposal rin ay gingamit natin upang makatuklas sa mga makabagong impormasyon, datus, ideya, o konsepto. Nakapagbibigay rin ito ng pagong pagpapahulugan o interpretasyon sa isang ideya. At higit sa lahat, ito’y nagbibigay linaw sa mga mahahalagang isyu.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Elehiya Para Kay Ram – Buod At Kahulugan Ng Tula