Ano Ang Tunguhin Ng Isip At Kilos Loob? – Halimbawa At Sagot

Ano Ang Tunguhin Ng Isip At Kilos Loob? (Sagot)

TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS LOOB – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tunguhin ng isip at kilos loob.

Ating tandaan na ang tunguhin ng isip ay ang katotohanan na dapat nating isaalang-alang. Maraming mga sitwasyon na mabilis tayong magkaroon ng maling akala. Ito’y dahil hindi nating lubusang na-iintindihan ang isang bagay o kulang ang datus natin tungkol sa isang pangyayari o sitwasyon.

Ano Ang Tunguhin Ng Isip At Kilos Loob? – Halimbawa At Sagot

Kaya naman ating matatagupuan ang katotohanan gamit ang patuloy na pananaliksik. Karagdagan, dapat gamitin din natin ang ating mga pandamang pantao katulad ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Lahat ng ito ay na kokonekta o nabibigyan ng kabuuang ideya gamit ang ating isip.

Samantala, ang kilos-loob ay ang kapabilidad ng isang indibidwal na magpasya o pumili ng mga aksyon na kanyang gagawin. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos – loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad o faculty na nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama.

Ito ay naka base sa impluwensiyang galing sa ating pag-iisip. Dahil dito, mayroong kapasidad ang isang tao na gumawa ng tama o mali.

Ang tunguhin ng kilos – loob ay kabutihan. Sapagkat ang kilos – loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya’t ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ikaw Ay Magsasagawa Ng Pasiya – Ano Ang Pinakahuling Hakbang?

Leave a Comment