Ano Ang Mga Hakbang Ng Pagsulat Ng Lakbay Sanaysay? (Sagot)
PAGSULAT NG LAKBAY – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga hakbang ng pagsulat ng lakbay sanaysay at ang mga halimbawa nito. Una sa lahat, ating aalamin kung ano nga ba ang lakbay sanaysay.
Ang isang lakbay sanaysay ay isang uri ng sanaysay na mayroong mga datus patungkol sa paglalakbay ng awtor o manunulat. Posible rin itong naka kuha ng inspirasyon mula sa mga lugar na maaaring lakbayin ng mga mambabasa.
Naka sulat dito ang mga paglalarawan sa magagandang tanawin, transportasyon kung paano mapuntahan ang mga lugar na ito, at ang mga establisimento kung saan puwedeng magpahinga katulad ng mga hotel.
Bukod dito, bilang manunulat ng lakbay na sanaysay, dapat ay iayon ang tono ng pagsulat sa lugar. Ang pangunahing layunin ng mga manunulat ng lakbay na sanaysay ay ang ma-akit ang mga turista o mambabasa para ma puntahan ang isang partikular na lugar.
Mayroon itong dalawang uri – Pormal At Di Pormal.
Kadalasan nating makikita ang mga Di pormal na uri ng lakbay nasanaysay sa mga online na post sa sosyal medya katulad ng Facebook, Instagram, at Twitter. Sa katunayan, ito na ang mas madali as mas epektibong pamaraan upang maiabot sa madla ang impormasyon tungkol sa isang lugar.
Samantala, ang mga pormal naman na uri nito ay naglalarawan sa masusing pananaliksik tungkol sa impormasyon ng isang lugar katulad ng mga tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayaring nagaganap.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Siphayo At Ang Mga Halimbawa Nito