Ano Ang Kahulugan Ng Siphayo? (Sagot)
SIPHAYO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang siphayo at ang mga halimbawa nito.
Kapag sinabi natin na siphayo, ito’y naglalarawawan sa emosyon na nagpapakita nagpagka dismaya. Sa madaling salita, ito’y maihahalintulad sa “sayang” o ang pakiramdam na sayang ang isang bagay, pagkakataon, o oportunidad.
Bukod dito, ang siphayo ay posibleng maging pangalan o kaya ay isang pang-uri. Heto ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang siphayo.
- Siphayo ang aking naranasan ng hindi ako pinili bilang tagapagsalita sa debate namin.
- Isa ka lamang siphayo sa aming pamilya dahil wala ka naman ginagawa kundi mag tambay.
- Ganiyan na lang ang idinulot na siphayo sa kanila ng aking ginawa.
- Anong uri ng mga kaigtingan at siphayo ang naramdaman mo sa paksang binasa?
Karagdagan, ang siphayo ay puwede ring ilarawan sa pagtrato na may pang-aaliputsa at pang-aapi. Maaari itong gamitin sa konteksto ng pagtatrabaho o ang pagtatrabaho na may kasamang pang-aapi sa’yo galing sa ibang tao.
- Akoy siphayo lamang sa aming opisina at parang gusto ko na lamang na sumabog.
- Minsan, nararamdaman ko ang papawiin, dusa at siphayo kapag nagtatrabaho.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Naratibo At Impormatibo Na Teksto – Halimbawa