Ano Ang Pagkakaiba Ng Naratibo At Impormatibo? (Sagot)
NARATIBO AT IMPORMATIBO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang pagkakaiba ng naratibo at impormatibo na teksto at ang mga halimbawa nito.
Ang isang naratibong teksto ay naglalarawan tungkol sa buhay ng isang tao o isang pangyayari o kaganapan o isyu sa ating lipunan. Bukod dito, ang tekstong ito ay posibleng maglarawan, maglahad, mangatwiran, o magsalaysay.
Samantala, ang impormatibong teksto naman ay kadalasang maikli at nagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Ang isa sa pinakamagandang halimbawa nito ay ang mga talata.
Ito’y nagbibigay ng datus tungkol sa mga impormasyon tungkol sa produkto ng mga tindahaan, paano ito gamitin at iba pa. Kadalasan, ito’y tinatawag na manual ng produkto.
Heto ang isang halimbawa:
Si Mohandas Karamchand Gandhi, mas kilala bilang si Mahatma Gandhi, ay nanguna sa kilusan sa pagpapalaya sa India mula sa pananakop ng Britanya. Ito ay isang halimbawa ng tekstong impormatibo.
Samantala, ang tekstong naratibo naman ay posibleng magsalaysay ng buhay ni Gandhi o ang mga aral niyang tinuturo sa mga madla.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pormat Sa Pagsusulat – Halimbawa At Kahulugan