Ano Ang Mensahe Ng MacBeth? (Sagot)
MACBETH – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mensahe ng MacBeth at ang mga aral na ating makukuha dito.
Si Macbeth ay isang tao na may malaking hangarin sa kanyang buhay. Bagaman siya ay matapang, matagumpay at isang napaka pinagkakatiwalaang tao ni Haring Duncan, madali siyang matukso ng mga kasinungalingan ng Tatlong Bruha.

Sa talinghaga ng mga bruha na iyon ay maitim na budhi ni Macbeth na nag-uudyok sa mga nakatagong ambisyon nito. Pagkatapos, si Macbeth ay naging isang malupit na mamamatay-tao, pinatay si Haring Duncan at kalaunan, ang kaibigan niyang si Banquo.
Dahil sa kanyang marahas na mga pamamaraan, madali niya lamang na abot ang kanyang mga hangarin. Pero, naging mahirap para sa kanya ang sakit ng budhi. Karagdagan, si Lady Macbeth ay nagpakamatay.
Ang mensahe dito ay ang sobrang paghangad sa mga ambisyon ay maaaring makadulot ng sobrang pagkasira ng moralidad ng isang tao kapag ito’y hinayaan lamang. Dapat rin isaalang-alang na ang lahat ng aksyon natin ay may mga epekto sa ating sarili at sa mga taong malapit sa atin.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ihambing Ang Pamimilosopiya At Yungib – Kahulugan At Halimbawa