Ano Nga Ba Ang Teoryang Humanismo? (Sagot)
HUMANISMO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng teoryang humanismo at ang mga halimbawa nito.
Ang Teoryang Humanismo ay naglalarawan sa mga potensyal ng bawat tao na nagbibigay pokus sa kahalagahan ng paglago at pagpapatunay ng sarili. Bukod dito, ang pangunahing paniniwala ng teoryang ito ay ang tinatawag na “humanistic psychology”.
Sinasabi sa “humanistic psychology” na ang mga tao ay likas na mabuti pero dahil sa mga problema sa pangkaisipan at panlipunan, nagagawa nitong maglihis mula sa likas na anyo na binibigay sa mga tao.
Heto ang mga halimbawa:
Nararamdaman ng isang kaibigan na ang kanyang buhay ay hindi ganuun kasaya at mayamot. Ang isang “humanismo” na aksyon dito ay ang paghikayat na gumawa ng “soul searching” at matukoy kung ano ang nawawala sa kanyang sarili
Maaaring ito ay isang libangan, pagkakaibigan o iba pa. Anuman ang kinakailangan para maiparamdam ng tao sa kanyang sarili ang ganap na naisakatuparan ay dapat na hanapin bilang isang potensyal na solusyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Kontemporaryong Dagli? – Kahulugan At Halimbawa Nito