Ano Ang Suliranin Sa “Bangkang Papel”? (Sagot)
BANGKANG PAPEL – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga suliranin sa kwentong “Bangkang Papel” ni Genova Edroza-Matute.
Ang kwentong “Bangkang Papel” ay isang emosyonal na pagsasalaysay tungkol sa pagkawala ng taong mahal mo. Hindi ito katulad ng klasikong romantiko, kundi tungkol sa pagmamahal sa pamilya.
Nagsimula ang kwento sa tagapagsasalaysay na nagbalik-tanaw habang nakikita niya ang mga batang naglalaro ng bangkang papel. Naaalala niya ang mga panahon na siya ay bata pa lamang kasama ang kanyang ina.
Isang araw, na pag-isipan raw ng tagapagsalaysay na gumawa ng mga barkong papel. Ngunit, malakas ang pag-ulan sa araw na iyon. Kaya naman, gumawa na lang muna siya ng 3 bangkang papel na gusto niya sanang ipakita sa kanyang ama.
Subalit, hindi pa nakabalik ang ama nito sa panahong iyon. Ang ama ng bata ang isang sundalo na lumalaban para sa bayan. Pagkatapos ng ulan sa sumunod na araw, bigla na lamang umiyak ang kanyang ina. Dito sinabi na isa ang mga ama ng bata sa mga nasawi sa paglalaban noong gabi na malakas ang ulan.
Napaluha na lamang ito at napasigaw sa sinapit. At hindi na rin nito napaanod ang ginawa niyang mga bangkang papel.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paano Ipakita Ang Pagmamalasakit – Halimbawa At Kahulugan