Ano Ang Mga Katangian Ni Ginoong Pasta? (Sagot)
GINOONG PASTA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga bang mga katangian ni Ginoong Pasta, isang tauhan sa El Filibusterismo.
Ang El Fili ay ang pangalawang nobela na kasunod ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Isa ito sa pinaka tanyag na mga sulatin sa Pilipinas dahil sa mga mensahe na dala nito. Sa loob ng kwento, marami tayong mga makukulay na karakter na sumasalamin sa mga ating lipunan.
Isa na sa mga tauhang ito ay si Ginoong Pasta. Siya ay isa sa pinaka-tanyag na abogado at tanging may katalinuhan sa Maynila. Dahil dito, siya ay pinagtatanungan ng mga prayle kapag sila ay nagigipit.
Pinuntahan din siya ni Isagani upang makiusap kung posible ba siyang mamagitan sa pagsang ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si don Custudio. Pero, binigo ni Ginoong Pasta si Isagani dahil nagpasya na lamang ang abogado na hindi makialam sa maselan na usapang.
Marami na raw siyang pag-aar. Dahil dito, kailangan na kumilos lamang ng naayon sa batas. Si Ginoong Pasta ay sumasalamin sa isang Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Bukod dito, siya ang uri ng indibidwal na pangsarili lamang ang iniisip.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakatulad Ng Babala At Paunawa – Kahulugan At Halimbawa