Ano Ang Kahulugan Ng Marco Polo? (Sagot)
MARCO POLO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng kasabihang Marco Polo.
Si Marco Polo ay isang tanyag na Italyanong manlalakbay na galing sa Venice. Siya rin ay isang mangangalakal at na nirahan sa China noong panahon ni Kublai Khan sa halos 11 na taon. Sa panahong iyon, nasa Dinastiyang Yuan ang China.
Noong 1295, siya’y nagbiyahe ulit pabalik sa Italya. Doon niya ipinakita ang kanyang libro ng may pamagat na “The Travels of Marco Polo”. Dito nakalagay ang mga magagandang kabihasnan na kanyang na tagpuan sa bansang Asya at lalo na sa China.
Sa modernong panahon sa mga Kanluraning bansa katulad ng Estados Unidos, ang Marco Polo ay isang laro ng mga bata. Ito’y parang larong tagu-taguan.
Ngunit, yung bantay ay sisigaw ng “Marco!”, samantala, ang mga nagtatago ay sisigaw ng “polo!”. Ito ay nilalaro sa loob ng isang swimming pool kung saan ang bantay ay naka pikit ang mata. Kapag hinahalaan ng bantay na umalis sa pool ang isang nagtatago, sisigaw ito ng “Fish Out Of Water!”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kuko Ng Liwanag Buod At Kahulugan Ng Kwentong Ito