Ano Ang Kahulugan Ng Korido? (Sagot)
KORIDO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang isang korido at ang kahulugan ng salitang ito.
Ang salitang Korido ay hango sa Kastilang salita na “Correr”. Ito’y nangagnahulugan na “dumadaloy”. Bukod dito, ang Korido rin ay isang panitikang Pinoy na may anyo na patula at mabilis.
Maihahalintulad ang kabilisang ito sa isang martsa. Karagdagan, ito ay maihahalintulad rin sa isang kwentong naglalaman ng mga pangyayaring kagilasgilas o mayroong nakakamanghang pakikipagsapalaran.
Dahil ito ay isang panitikang patula, ang isang Korido ay mayroong ring pormat na sinusunod. Karaniwang mayroong sukat na walong pantig ang korido sa bawat linya nito. Pagkatapos, ang bawat linya ay may apat na linya sa bawat saknong.
Ang mga tanyag na halimbawa ng isang Korido ay ang ibong Adarna at ang Mitong “Bernardo Carpio”.
Atin ring kailangang malaman na ang isang awit at korido ay magkapareho sa ibang mga aspeto. Isa na dito ay ang kanilang patulang salaysay na paawit kung basahin. Pero naiiba ito sa sukat at tempo.
Ang awit ay nagpapahiwatig ng mga aral samantalang sa korido ang ikinawiwili ng mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Marco Polo – Ano Ang Kahulugan Ng Kasabihang Ito?