Ano Ang Mga Halimbawa Ng Suliraning Pang Edukasyon? (Sagot)
EDUKASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng suliraning pang edukasyon at ang kahulugan nito.
Alam naman nating lahat na ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na makukuha ng isang tao. Dahil sa edukasyon mas marmaing oportunidad ang isang indibidwal na magkaroon ng magandang trabaho, buhay, at iba pa.
Subalit, marami ring mga problema ang makikita sa edukasyon, lalo na dito sa Pilipinas at sa panahon ng pandemya. Heto ang mga halimbawa:
Kulang sa pagtuturo ng kritikal na pag-iisip – Kadalasang tinuturo sa mga kabataan o ang mga paksang tinatalakay ay maaari lamang kabisaduhin.
Kaya naman, pagkatapos ng mga pagsusulit ay nakakalimutan agad ito ng mga estudyante dahil kinakabisado lamang nila ito para sa grado hindi para matuto.
Mababang sahod sa mga guro – Ang mga guro ay integral na bahagi ng buhay ng lahat ng tao. Pero, dahil sa mababang sahod mas pinipili na lamang ng guro na mag-ibang bansa o lumipat ng trabaho.
Mataas na matrikula – ang pagtaas ng matrikula ay sa mga isyunng matagal na. Dahil hindi na makakaya ang pag-aaral, mas pinipili na lamang ng mahihirap na mag hanap na lamang ng trabaho.
Paraan ng pagtuturo – Mula noon hanggang ngayon, pareho pa rin ang paraan ng pagtuturo para sa karamihan ng mga guro. Pero ito’y nagiging problema para sa mga estudyante dahil ang uri ng pagtuturo na epektibo sa isa, ay maaaring mahirap naman para sa iba.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakaiba Ng Kayamanan At Karangyaan – Halimbawa At Kahulugan