Ano Ang Pagkakaiba Ng Kayamanan At Karangyaan? (Sagot)
KAYAMANAN AT KARANGYAAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga pagkakaiba ng kayamanan at karangyaan.
Kung titignan natin, maraming pagkakatulad ang kayamanan at karangyaan. Sa Ingles, ang Karangyaan ay tinatawag na “luxury”. Samantala, ang kayamanan naman ay tinatawag na “riches”.
Pero, may mga malalaking pagkakaiba ito. Una, may mga taong may labis na kayamanan ngunit hindi ito namumuhay ng may karangyaan. Gayundin, may mga tao na wala naman kayamanan pero namumuhay sa karangyaan.
Ang Karangyaan ay ang labis na pamimili, pag-gamit, o pamumuhay ng ekstrabagante. Makikita ito sa mga mahahaling gamit, sapatos, at piniling pamumuhay ng isang tao.
Pero ating tandaan na ang pamumuhay na may karangyaan ay hindi agad ibig sabihin na may “kayamanan” ang taong ito. Maaaring pinipilit niya lamang ito at hindi pala kayang panatilihin ang uri ng pamumuhay.
Ngunit, ang taong may kayamanan ay taong posibleng may mga mahahaling gamit at karangyaan din. Pero ang pinagkaiba nito ay may pera talaga ang mga taong ito.
Ang “kayamanan” rin ay hindi lamang nasusukat sa pera. Maaring mamuhay ka na may kayamanan sa pag-ibig, talento, katalinuhan, at ipa pang aspeto ng buhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Balakid? Kahulugan At Halimbawa Ng “Balakid”