Morpolohikal Na Varayti Ng Wika Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Morpolohikal Na Varayti Ng Wika? (Sagot)

MORPOLOHIKAL – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga halimbawa ng mga morpolohikal na varayti ng wika at ang kahulugan nito.

Maraming mga halimbawa ng varayti ng wika. Lahat ng ito ay mahalaga dahil sila ay nagbibigay sa atin ng pag-uunawa sa pag-gamit ng wika sa ano mang uri nito.

Morpolohikal Na Varayti Ng Wika Halimbawa At Kahulugan

Sa Pilipinas, marami tayong mga wika at diyalekto dahil sa pagkawatak-watak ng ating mga isla. Kaya naman, nagkaroon ng iba’t-ibang paraan ng pagbuo ng mga salita ayon sa mga kultura.

Isang halimbawa nito ay makikita sa lalawigang Tagalog katulad ng Batangas. Dito, ang pandiwa o “verb” sa Ingles ay salitang nagpapakita ng akisyon o kilos. Ito ay nakabanghay sa unlaping /na-/ tulad ng naiyak, naulan, nakanta at natakbo.

Samantala, sa ibang mga lalawigan katulad ng Iloilo at Negros Occidental na may wikang Hiligaynon, ang mga “pandiwa” ay ginagamitan ng unlaping “naga”, “ga”, at “ma”.

Halimbawa:

  • Takbo/run (Tagalog)
    • Tumakbo
    • Tumatakbo
    • Tatakbo
  • Dalagan/run (Hiligaynon)
    • Nagdalagan
    • Gadalagan
    • Madalagan

Dahil sa iba-iba ang wikang ginagamit sa iba’t ibang lugar, nagkakaiba rin ang paraan ng pagbuo ng salita ng mga naninirahan sa mga ito.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Ponolohikal? Halimbawa At Kahulugan Nito

Leave a Comment