Ano Ang Kaugnayan Ng Migrasyon At Politka? (Sagot)
MIGRASYON AT POLITIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kaugnayan ng migrasyon at politika at ang mga halimbawa nito.
Ang migrasyon ay ang paglilipat ng tirahan ng isang dayuhan papunta sa ibang bansa. Maraming mga Pilipino ang gumagawa nito at naglilipat bansa upang mag migrasyon para magkaroon ng mas magandang buhay sa abroad. Pero bakit nga ba may kinalaman ang politika dito?
Malaki ang kaugnayan ng politika at ng migrasyon dahil ang mga tao sa politika ay siyang namamahala sa paglilipat ng mga dayuhan. Sa migrasyon, hindi lamang isang bansa ang kabilang dito kundi dalawa.
Dahil dito, mayroong mga embahada ang Pilipinas para sa iba’t-ibang bansa. Sa pamamagitan ng embahada, na bibigyan ng proseso ang paglipat-bansa o migrasyon ng mga tao.
Ito’y dahil madadagdagan ang responsibilidad ng gobyerno ng bansang patutunguhan. Bukod dito, posibleng makakaapekto sa negatibong paraan ang migrasyon sa politika kapag biglaang may di pagkakaunawaan ang dalawang bansa.
Kapag nangyari ‘yon, madalas pinapauwi ang mga dayuhan sa kanilang mga bansa. Isa rin sa mga kaugnayan nito sa politika ay makikita sa epekto nito sa ekonomiya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Daloy Ng Pangyayari Halimbawa At Kahulugan Nito