Gampanin Ng Wika Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Ano Ang Mga Gampanin Ng WIka? (Sagot)

WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng gampanin ng wika at ang kahulugan ng mga ito.

Ang wika ay isa sa pinakamahalagang pondasyon ng isang lipunan. Dahil sa wika, umusbong ang mga kabihasnan at nagkaroon ng tunay na sistema ng komunikasyon.

Gampanin Ng Wika Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Kaya naman, mas napabilis ang daloy ng impormasyon na nagdulot ng labis na pag-unlad. Heto ang mga halimbawa ng gampanin ng wika na ating makikita:

IMPORMATIB – ang wika ay impormatib kapag ito’y maaaring nitong maglahad ng impormasyon o datus papunta sa tagatanggap nito.

EKSPRESIB – Ang gampanin na ito ay nagagawa kapag ang nagsasalita o ang taong may balak na manguna sa komunikasyon ay nakakapag pahayag ng kanyang damdamin o emosyon.

DIREKTIB – nagiging direktib ang wika kapag hayagan o di hayagan nitong napapakilos ang isang indibidwal upang magawa ang isang trabaho.

PERPORMATIB – ito ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon. Kasama rin dito ang kilos na nagagawang pansuporta sa isang pahayag.

PERSWEYSIB – nagiging persweysib ang wika kapag may balak ang tagapagsalita na manghikayat ng iba patungo sa kanyang paniniwala.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Ano Ang Disbentaha? Kahulugan At Halimbawa Nito

Leave a Comment