Ano Ang Halimbawa Ng Daloy Ng Pangyayari? (Sagot)
DALOY NG PANGYAYARI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng daloy ng pangyayari at ang mga halimbawa nito.
Ang daloy ng pangyayari ay isa sa mga elementong ginagamit sa pagsusulat ng isang kwento. Ito ang nagsasalaysay kung ano ang mga magkakasunod na kaganapan na mangyayari sa mga tauhan ng isang kwento at kung paano ito nakakaapekto sa kanila.
Kadalasan, may tatlong bahagi ang daloy ng pangyayari ng isang kwento. Ito ang tinatawag na:
- Simula
- Kasukdulan
- Wakas
Sa simula, dito natin unang makikita ang mga tauhan ng kwento at ang kanilang mga personalidad. Pagkatapos nito, makikita rin natin kung ano ang mga suliranin na kinakaharap ng ating mga tauhan o bida.
Sunod naman nito ang kasukdulan. Dito nagyayari ang pinakamataas na lebel ng isang kwento. Makikita dito kung paano hinarap ng pangunahing tauhan ang kanyang mga problema.
Sa panghuli, makikita natin ang wakas ng kwento. Dito na resolba ang mga problema ng bida at dahan-dahang nagiging kalmado ang daloy ng kwento at ang mga pangyayari.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Gampanin Ng Wika Halimbawa At Kahulugan Ng Mga Ito