Ano Ang Mga Halimbawa Ng Epekto Ng Kolonisasyon? (Sagot)
KOLONISASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang naging epekto ng kolonisasyon at ang mga halimbawa nito.
Ang Pilipinas ay naging saksi sa iba’t-ibang yugto ng kolonisasyon. Nagsimula ito sa pagpasok ng mga Kastila. Pagkatapos, pumunta rin ang mga Amerikano at ang mga Hapon.
Dahil dito, marami ang naging epekto ng kolonisasyon ng iba’t-ibang bansa sa ating kultura at mga tradisyon. Narito ang ilan sa mga naging epekto nito:
- Malaki ang naging impluwensya ng mga taga-kanluran sa mga bansang kanilang pinuntahan katulad lamang ng Pilipinas
- Napasailalim ang ating maliit na bansa sa kapangyarihan ng malalaking bansa. (Halimbawa nito ay ang Espanya at Pilipinas)
- Nagkaroon ng malaking epekto sa pamahalaan ng sinasakop na bansa.
- Paglaganap ng relihiyong Kristyanismo.
- Pag-angat sa antas ng edukasyon na dala ng mga mananakop.
Isa sa pinakamalaking pagbabago na ating nakita ay laganap sa ating kultura. Mula sa wika papunta sa mga kagamitan, ang mga kultura ng ibang bansa ay nag-halo rin sa ating pansariling kultura.
Ngunit, ang mga tradisyon at kultura ng ating mga ninunong Pilipino ay patuloy pa ring nakikita kahit sa modernong panahong ito. Kaya naman dapat itong bigyang halaga.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
BASAHIN DIN: Pakikipag-ugnayan Sa Kapwa: Paano Ito Mapapaunlad At Halimbawa