“Di-Ganap” Na Kompetisyon Sa Pamihilan At Halimbawa Nito
DI-GANAP NA KOMPETISYON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang di-ganap na kompetisyon sa pamilihan at ang mga halimbawa nito.
Ang di ganap na kompetisyon ay naglalarawan sa pagkawala ng kompetisyon galing sa iba pang mga negosyante. Ang mga halimbawa nito ay makikita sa mga negosyo na may monopolyo sa isang serbisyo o produkto.
Isang halimbawa nito ay ang monopolyo sa kuryente katulad ng MERALCO. Bukod dito, ang mga di-ganap na kompetisyon ay makikita rin sa mga monopsonyo, obligopolyo, at monopolistikong kompetisyon.
Sa uri ng kompetisyong ito sa pamilihan, makikita natin na ang pwersa ng demand at suplay ang nagtatakda ng presyo. Ito’y dahil iisa lamang ang taga-gawa ng produkto o serbisyo para sa mga mamimili.
Kaya naman, masasabi natin ang mga serbisyo o produkto sa isang di ganap na pamilihan ay hindi madaling makuha sa ibang lugar. Sa mga lugar na malayo sa mga pangunahing lungsod, madalas tayong makakita ng di ganap na kompetisyon sa pamilihan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
READ ALSO: Lakad Pagong Kahulugan At Halimbawa Ng Paggamit Nito