Ano Ang Katangian Ng Mga Dula? (Sagot)
DULA – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang katangian ng mga dula at ang mga halimbawa nito.
Ang mga dula ay mga likhang sining kung saan ang mga karakter sa isang kwento ay isinasabuhay ng mga aktor sa isang tanghalan. Sa Ingles, ang dula ay matatawag na play o drama. Sila’y nasa taas ng intablado ay nagbibigay sila ng buhay sa mga pangyayari ng kwento.
Ilan lamang sa mga katangian ng dula ay ang mga sumusunod:
1. Iskrip o ang pinaka-ideya ng istorya o tagpo – Ang lahat ng dula ay may kwentong sinusunod. Dito malalaman ng mga aktor kung ano ang kanilang sasabihin o gagawin depende sa kung anong parte na ng kwento.
2. Mga tauhan – Ang mga tauhan ay siyang nagbibigay ng buhay sa mga karakter ng isang dula. Sila’y nagpapalabas ng mga emosyon ng karakter na nakasulat sa papel.
3. Wika – Mahalaga ang wika dahil ito ang nagiging plataporma kung saan ginagawa ang dula.
4. Musika – Ang musika ay nagbibigay ng isa pang lebel ng kaaliwan para sa mga tagapanonood. Bukod dito, nagbibigay din ng emosyon ang musika na angkop para sa mga sitwasyon sa kwento.
5. Paraan ng pagtatanghal – Ang paraan ng pagtatanghal ay nakadepende sa maraming mga bagay. Pero ang pangunahing gumagawa o pumipili ng paraang ito ay ang direktor.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa ng Panandang Pandiskurso – Kahulugan At Iba Pa