Ano Ang Mga Dahilan Ng Pagsusulat? (Sagot)
PAGSUSULAT– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga dahilan ng pagsusulat at ang mga halimbawa nito.
Ang pagsusulat ay isa sa mga pangunahing instrumento na ating ginagamit para sa komunikasyon. Kasama ang pagsasalita, ang pagsusulat ay isang malaking rason kung bakit umunlad ang ating lipunan.
Maraming rason ang pagsusulat. Simula pa sa sinaunang panahon, ginamit ang pagsusulat upang bigyan ng simbolo ang mga bagay-bagay sa paligid ng mga tao.
Pagdating ng wika, naging sistematiko na at madaling intindihin ang pagsusulat. Ayon kay Willian Strunk at E.B. White, ang pagsusulat ay siyang bumubuhay sa kaganapan ng ating pagiging tao.
Ito’y nagsisilbing daluyan ng ating mga pag-iisip at emosyon na hindi matatamo kung walang kalidad ang pag-iisip. Heto ang mga dahilan kung bakit tayo nagsusulat:
- Ang pagsulat ay isang instrumento na ginagamit upang bigyan ng mensahe ang mga susunod na henerasyon.
- Sa pagsulat, ating malalaman kung ano ang iyong isip at kung ano ang iyong mga nararamdaman, wala kang maililihim at walang maitatago.
- Ang kakayahan sapagsulat ay isa sa mga makrongkasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
READ ALSO: Ano Ang Taong Masikhay? Kahulugan At Halimbawa Nito