Antas Ng Komunikasyon Halimbawa At Kahulugan

Ano Ang Halimbawa Ng Antas Ng Komunikasyon? (Sagot)

ANTAS NG KOMUNIKASYON – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang antas ng komunikasyon at ang mga halimbawa nito.

Ang komunikayon ay maraming gamit. Kaya naman, isa ito sa mga mahahalagang pondasyon ng ating lipunan.

Antas Ng Komunikasyon Halimbawa At Kahulugan

Mayroong iba’t-ibang antas ng komunikasyon tayong makikita at ginagamit. Subalit, hindi nga natin ito namamalayan sa ating pang araw-araw na buhay. Heto ang mga halimbawa:

  • Intrapersonal
    • Ito ay ang pakikipagusap sa sarili. Tinatawag ito na pinakamababang antas ng wika. Ito’y ntumutukoy sa pag-usap ng indibidwal katulad lamang sa replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
  • Interpersonal 
    • pakikipagusap sa ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang indibidwal tungkol sa iba’t-ibang mga paksa.
  • Pampubliko 
    • pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang mga politiko na nagkaroon ng talumpati sa madla
  • Pangmasa 
    • Katulad lamang ito ng pampubliko, subalit ito’y mayroong mas malawak na sakop. Halimbawa nito ay ang SONA ng presidente.
  • Pangorganisasyon 
    • Ito’y komunikasyong nagaganap sa loob ng isang grupo o pangkat.
  • Pangkultura 
    • Dito natin makikita ang komunikasyon tungkol sa kultura
  • Pangkaunlaran 
    • ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.

BASAHIN DIN: Ano Ang Kwentong Banghay? – Kahulugan At Halimbawa

1 thought on “Antas Ng Komunikasyon Halimbawa At Kahulugan”

Leave a Comment