Ano Ang Kontemplatibo At Ang Mga Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kontemplatibo”

KONTEMPLATIBO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang tinatawag na kontemplatibo at mga halimbawa nito.

Ang kontemplatibo ay kabilang sa mga aspekto ng pandiwa. Kasama nito ang perpektibo at imperpektibo. Sila ang nagpapahayag ng mga gawain at nag sasaad kung ang mga ito ay sisimulan pa lang, nasimulan na, o tapos na.

Ano Ang Kontemplatibo At Ang Mga Halimbawa Nito
  1. Perperktibo (past tense)  – isang aspekto ito ng pandiwa na ang kilos ay tapos na.

    Halimbawa ang salitang “hinga” ay may perpektong pandiwa na “huminga “.

    “Si Peter ay huminga ng malalim”.
  2. Imperpektibo (present tense)  – aspekto ng pandiwa na ang kilos ay ginagawa pa lamang o mga kilos na nasa kasalukuyang panahon.  Halimbawa ang salitang “hinga” ay may imperpektibong pandiwa na “humihinga”.
  3. Kontemplatibo (future tense)  – aspekto ng pandiwa na magaganap o mga kilos na hindi pa naganap o magaganap pa lamang.  Halimbawa ang salitang “hinga” ay may kontemplatibong pandiwa na “hihinga”.

Halimbawa:

  • Si Peter ay aalis pa lamang papunta sa kanyang paaralan.
  • Ako’y tatakbo papunta sa aming silid aralan dahil huli na akong naka pasok.
  • Maghahanap ako ng bagong mga kaibigan ngayong taon.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Antas Ng Komunikasyon Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment