Bakit Mahalaga Ang Pakikilahok At Bolunterismo? (Sagot)
BOLUNTERISMO AT PAKIKILAHOK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo sa mga kabataan.
Mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo dahil ang dalawang it ay nag reresulta ng iyong pagkatotoo sa maraming aspeto. Napapaunlad natin ang ang ating mga sarili sa pakikilahok gayon din sa bolunterismo.
Bukod dito, nakakatulong din ito upang mas mabibigyan ka ng koneksyon sa ibang tao. Ito’y dahil marami ang nabubuong mga karanasan at pagkakaisa at pagtutulungan.
Ang mga Pilipino ay sadyang matulungin sa kapwa. Ito ang isa sa pinaka-magandang katangian ng mga Pilipino. Dahil dito, umusbong ang katangian ng bayanihan o ang pagtulong sa kapwa. Ito’y makikita sa bolunterismo at pakikilahok.
Bilang isang miyembro ng isang komunidad at bahagi ng isang lipunan mayroon kang tungkulin na makilahok sa mga bagay at kaganapan na alam mong makakatulong para sa iyong pamayanan.
Ang Bolunterismo naman ay naglalarawan sa kusa nating pagkilos o pagtulong sa mga taong nangangailangan. Dito, hindi tayo naghihintay ng kapalit at gusto lamang natin na matulungan ang mga tao at mapaganda ang kanilang antas ng pamumuhay.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Kasaysayan Ng Wika – Bakit Mahalaga Ang Kasaysayan Ng Wika?