Paano Gumawa Ng Haiku? Halimbawa At Iba Pang Kaalaman!

Sagot Sa Tanong Na “Paano Gumawa Ng Haiku?”

HAIKU – Sa paksang ito, ating aalamin kung paano ba tayo gumawa ng isang Haiku mula sa simula hanggang sa katapusan nito.

Alam naman nating lahat na ang Haiku ay mayroong 3 taludtod at hindi kinakailangang tumugma ang mga salita. Bawat taludtod nito ay may bilang na 5/7/5 na mga pantig. Pero paano nga ba ito isulat?

Ang mga Haiku ay hindi lang dapat naglalaman ng kung ano-anong mga salita. Dapat ay mayroon itong halaga mismo sa taga-sulat. Dahil dito, bago paman tayo sumulat ng Haiku, kailangan muna nating humanap ng inspirasyon.

Paano Gumawa Ng Haiku? Halimbawa At Iba Pang Kaalaman!

Puwede itong makuha sa mga bagay-bagay sa ating paligid, mga emosyon na ating pinagdadaanan, o kaya’y mga opinyon natin tungkol sa isang isyu. Isa sa mga maaari mong gawin ay ang paglakad sa labas at tignan ang mga nasa paligid.

Tandaan lamang na hindi kailangang maging perpekto ang iyong Haiku. Ang mahalaga lang dito ay mabigyan mo ng damdamin ang iyong sulat. Kaya naman, mas epektibo ang isang Haiku kapag ang paksa ay isang bagay na mahalaga sa taga sulat.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

Para sa mga halimbawa ng Haiku, basahin ang:

Haiku Tagalog: Halimbawa Ng Mga Haiku Sa Tagalog

Leave a Comment