Ano Ang Mga Halimbawa Ng Pagsang-ayon At Pasalungat Na Mga Salita? (Sagot)
PAGSANG-AYON AT PASALUNGAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga halimbawa ng salitang pasang-ayon at pasalungat.
Ang mga salitang pasang-ayon at pasalungat ay nagbibigay ng kompermasyon na ika’y sumasang-ayon o hindi sa isang paksa, pahayag, o ideya. Mahalaga ito dahil nabibigyan ng klarong interpretasyon ang mga kasama mo sa komunikasyon.
Ang ilan sa mga hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay ng panang- ayon gaya ng:
- bilib ako sa iyong sinabi na
- ganoon nga
- kaisa mo ako sa bahaging
- maasahan mo ako riyan
- iyan din ang palagay ko
- iyan ay nararapat
- sang-ayon ako
- sige
- lubos akong nananalig
Ang pasalungat naman na mga salita ang nangangahulugan na ika’y mayroong pagtanggi sa paksa, o ideyang inilalahad. Halimbawa:
- ayaw ko ang pahayag na…
- hindi ako naniniwala riyan..
- hindi ako sang-ayon dahil…
- tayo hindi magkasundo..
- hindi totoong..
- huwag kang…
- ikinalulungkot ko…
- maling-mali talaga ang iyong …
- sumasalungat ako sa…
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Wikang Kabataan – Ano Ang Wikang Kabataan? (Sagot)