Halimbawa Ng Pabula Tungkol Sa Kalabaw
KALABAW – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng pabula tungkol sa kalabaw at ang mga aral na makukuha dito.
Ang kalabaw ay ating pambansang hayop. Ito ay sumisimbolo sa pagiging porsigido ng mga Pilipino. Sila rin ang nagpapakita ng katibayan ng mga Pilipino kahit pa sa mga mahirap na panahaon.
Kaya naman, maraming mga pabula tungkol sa kalabaw ang nagagawa. Heto ang mga halimbawa:
Ang Pagong at ang Kalabaw: Sa kwentong ito, ang pagong ay may kagustuhan sanang makipag-kaibigan sa lakabaw. Subalit, ayaw naman ni kalabaw dahil mahina at mabagal ang pagong.
Dahil sa kahihiyan, hinamon nito si Kalabaw sa isang paligsahan. Pero, alam naman ni pagong na matatalo lamang ito ng mabilis at malaking kalabaw. Kaya naman, humanap siya ng tulong sa kanyang mga kaibigang pagong.
Sinabihan nito na pumunta sila sa tuktok ng limang bundok habang siya’y nakahintay sa pinaka huling tuktok. Pinahamon nito ang kalabaw sa paligsahan ngunit, laking gulat ni kalabaw na pag dating niya sa tuktok ng mga puno ay nandun na agad ang pagong.
Dahil sa galit nito, sinubukan niyang sipain si pagong, ngunit hindi ito nasaktan dahil sa matigas nitong likod.
ARAL: Huwag tignan ng mababa ang ating kapwa. Hindi man sila kasing galing sa atin sa ibang aspeto pero lahat tayo ay may kani-kanilang kahinaan at kalakasan.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Tono At Diin? Halimbawa At Kahulugan Nito