Bakit Mahalaga Ang Talaarawan? (Sagot)
TALAARAWAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung bakit nga ba mahalaga ang isang talaarawan at ang mga halimbawa nito.
Ang isang talaarawan ay isang kwaderno na kung saan mo isinusulat ang mga damdamin mo at karanasan. Maaari mo itong sulatan taga araw, taga-linggo, o depende sa iyong nararamdaman.
Mahalaga ang isang talaarwan dahil ito’y nagbibigay sa atin ng pagkakataong balikan ang mga pangyayari sa mga nagkalipas na araw. Mahalaga ito dahil ating makikita ang mga bagay-bagay na nangyari at ang reaksyon, damdamin, o opinyon natin ssa mga ito.
Dahil dito, nabibigyan tayo ng pagkakataon upang mag baliktanaw sa ating sarili at kung paano natin maipapabuti ang ating mga sarili.
Sa pagsulat natin sa ating talaarawan, wala tayong takot na mahuhusgahan ng ibang tao. Ito’y ating personal na mga kaisipan at wala itong halong opinyon ng iba.
Kaya naman, malalaman kaagad natin kung ano talaga ang ating nararamdaman tungkol sa isang paksa o pangyayari. Sa patuloy natin na pagsulat dito, ating makikita ang ating progreso.
Nagiging mabuti rin ito hindi lamang para sa ating pansariling kaunlaran, kundi pati na rin sa ating pansariling mental na kaayusan.
Salamat Sa Iyong Pag-basa. Para sa karagdagang impormasyon basahin rin:
Ano Ang Globalisasyong Teknolohikal – Halimbawa At Kahulugan