Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Kinakatawan? (Sagot)
KINAKATAWAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng salitang “kinakatawan”.
Ang isang “Kinatawan” ay taong nag rerepresenta para sa isang organisasyon, grupo, kompanya, at iba pa. Samantala, ang salitang “kinakatawan” naman ay maaaring maging isang simbolo o nagrerepresenta rin katulad ng kinatawan.
Pero, malaki ang pagkakaiba ng dalawang salitang ito. Halimbawa, masasabi natin na si Peter ay isang kinatwan ng malaking kompanya. Ibig sabihin, siya ang nagrerepresenta para sa kompanyang ito sa mga pulong, porum at iba pang aktibidad.
Ang “kinakatawan” naman ay maaari nating gamitin bilang isang simbolo. Halimbawa, kinakatawan ng ibon ang pagiging malaya. Ibig sabihin nito, nagiging simbolo ng kalayaan ang ating ibon.
Ang mga tao katulad ni Rizal at Bonifacio ay kumakatawan sa kalayaan dahil sa pagiging bayani nila para sa Pilipinas. Samantala, si General McArthur naman ay naging kinatawan ng Estados Unidos ng siya’y pumunta sa Pilipinas.
Atin lamang tandaan na ang “kinatawan” ay isang taong nagrerepresenta para sa isang grupo. Pero ay “kinakatawan” o “kumakatawan” ay isang bagay, tao, hayop, o ideya na nagiging simbolo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paggalang Sa Dignidad Halimbawa At Kahulugan Nito