Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pagsisikap
TULA SA PAGSISIKAP – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang mga halimbawa ng tula tungkol sa pagsisikap at ang kahulugan ng mga ito.
Lahat tayo ay mayroong pangarap. Ngunit, hindi natin ito maaabot kapag wala tayonag pagsisikap. Kaya naman, dapat nating malaman ang halaga ng pagsisikap sa ating pang araw-araw na buhay.

Ang ating pagsisikap ay nagiging palatandaan natin ng tagumpay. Sabi nga nila, kapag walang tiyaga, walang nilaga. Dahil dito, dapat tayo sumikap, para sa isang mabuting hinaharap.
Subalit, may mga pagkakataon din tayo na gusto na lang nating sumuko dahil sa hirap ng mga pagsubok natin. Pero, may mga panitikan katulad ng mga tula na maaaring magbigay sa atin ng inspirasyong magpatuloy. Heto ang mga halimbawa:
Patungo sa Tuktok
Tula ni KLi mula sa hellopoetry.com
Kayraming lubak, alon ay malakas
Tatagaan ang loob, sa daa’y maraming ahas
Maraming kasama ngnit ikaw ay mag-isa
Pagtaas ng tubig sa sapa, sa’yo ay walang kakarga
Natural lang ang umiyak at magpapadayak
Pag-abot sa tuktok ay hindi basta at payak
Minsan pa nga sa’yo ay maraming tatapak
Pero ang payo ko sa’yo, sumayaw at pumalakpak
Hindi ka baliw sa iyong gagawin
Ipakita ang galing at taas ng mithiin
Daan naman talaga minsa’y mahirap tahiin
Ngunit kapag umayaw, ika’y palpak na tatawagin
Matapos ang hirap, asahan mo ang sarap
Damhin ang lasap ng natupad na pangarap
Bawat pawis at dugo, kapalit ay karanasan at kamalayan
Na sa iyo ngayon ay magsisilbing kayamanan
Simpleng Pangarap
Tula ni Richelle M. mula sa mgatulaatkatha.blogspot.com
Mayroon akong gustong puntahan
Sa wari ko’y dapat kong kalagyan
Isang lugar makikita kung saan
Munting pangarap simula pa man
Isang pagkakaton marahil sa iba
Sadyang simple at walang halaga
Ngunit may mga taong tumitingila
Bagong bayani ang bansag nila
Isang marangal at puno ng puso
May layuning tunay at totoo
Upang makatulong makabuo
Di lang ng pangarap ko pati sa iyo
Linagin ang isipan ng musmos
Paunlarin kaalaman lubos
Itatak ang mga mabuting utos
Upang ang katauhan mapuspos
Hindi ba kay gandang isipin
Nabuhay kang loob ay butihin
Mawala ka man dito sa mundo
Turo mo’y maiiwan sa mga ito
Bata (Ang Imposibleng Pangarap)
ni Karl Gerald Saul
Nais kong lumipad tulad ng ibon sa kalawakan
Nais kong lumangoy gaya ng isda sa karagatan
Nais kong maging leong mabangis na katatakutan ng lahat
Nais kong maging serena na kumakanta habang lumalangoy sa dagat
Nais kong maging musikero na tumutugtog na mga instrumento
Nais kong maging sikat na singer na hawak hawak ang mikropono
Pagkat ako’y isang hamak na bata lamang na nangangarap ng imposible
Lahat ng iya’y imposible kong makamit – imposibleng magawa
Sinong tutulong sa’kin?
Sinong gagaba’y sa’kin?
Wala, wala talaga, kung meron sino kaya?
Sa pangarap ko lang talaga ito magagawa
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Paggalang Sa Dignidad Halimbawa At Kahulugan Nito