Lupang Tinubuan Aral At Mensahe – Maikling Kwento

Ano Ang Aral Na Ating Makukuha Sa “Lupang Tinubuan”? (Sagot)

LUPANG TINUBUAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang aral na ating makukuha sa kwento ni Narciso Reyes na “Lupang Tinubuan”.

Ang mga Pilipino ay mayroong malalim na pagmamahal sa kanyang bayan. Bukod dito, malalim rin ang pagmamahal natin sa ating mga lupang tinubuan.

Para sa lahat ng mga Pilipino na dito ipinanganak, ang ating lupang tinubuan ay ang Pilipinas. Para sa karamihan sa atin, dito tayo lumaki at na impluwensiyahan ng kultura at tradisyong Pilipino.

Lupang Tinubuan Aral At Mensahe – Maikling Kwento

Heto ang buod ng kwento:

Ang pakay ng kwentong ito ay ipakita ang karanasan ng isang grupo ng tao na siyang nagsasalarawan sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Ang mga tauhan ng kwento ay ating makikilala bilang sina Danding, ang pangunahing tauhan, Juana at Tiyo Gorio.

Si Danding ay isa sa mga kasama ni kanyang Tiya Juana at Tiyo Gorio. Sila ay may balak na uuwi sa lalawigan upang makipaglibing sa kanyang Tata Inong, ang pinsan kanyang ama.

Pero, sa kanyang pag-uwi ay marami pala siyang mga kamag-anak sa Malawig. Doon niya nalaman na na marami pala siyang mga di-kilalang kapamilya.

Isa nga sa mga kamag-anak niya ay si Lolo Tasyo. Nagkuwento ang matanda kay Danding tugkol sa knayang Ama. ’ Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti.

Isinalaysay ni Lolo Tasyo ang kwento ng kanyang ama at dito niya rin binalikan ang mga karanasan niya kasama ang kanyang namayapang ama.

Habang pinag-iisipan nito ang kanyang mga karanasan, na intindihan niya na siya pala ay mayroong pagmamahal sa kanyang lupang tinubuan. Ito’y dahil marami siya magagandang karanasan at mga pagsubok na nalampasan.

Dito niya nakasama ang kanyang mga pamilya, mga kaibigan, at ang mga ginagawa niya dati noong siya’y bata pa lamang. Ang paglilipad ng sarangola at pagkahulog sa kalabaw, ito ay mga simpleng bahagi ng buhay lamang para sa kanya pero ito’y naging malaking parte ng kanyang paglaki.

Naipakikita rin dito kung paano ang mga tauhan sumugpo sa suliranin kagaya ni Danding at nabigyan ng linaw ang kanyang mga tanong tungko sa kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Pamana Sa Kultura Halibmawa At Kahulugan Ng Mga Ito

Leave a Comment