Mungkahi Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito – Philnews

Ano Nga Ba Ang Kahulugan Ng Salitang Mungkahi At Mga Halimbawa Nito? (Sagot)

MUNGKAHI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mungkahi at ang mga halimbawa nito.

Ang salitang mungkahi ay posibleng ihahalintulad sa mga salita katulad ng payo, palagay, o ideya. Ito ay ating ginagamit kapag tayo ay may isang kaisipan na nais nating sabihin sa ibang tao.

Mungkahi Kahulugan At Halimbawa Ng Mga Ito – Philnews

Bukod dito, ang isang mungkahi ay masasabi rin natin na sariling palagay o opinyon natin na para sa atin ay makakatulong o nagbibigay ng ambag sa isang pangyayari o kaganapan.

Heto ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang mungkahi:

  • Si Peter ay pumunta sa paaralan ng bigo dahil hindi siya sinagot ng kanyang pagpupulong ang kanya mga mungkahi.
  • Iminungkahi ni Hector na bigyan ng mga basurahan sa tabi ng ilog para doon na lamang mag tatapon ng basura ang mga tao sa halip na sa tubig.
  • Nagsisi ang may-ari ng negosyo dahil hindi siya nakinig sa mungkahi ng kanyang matalik na kaibigan.
  • Iminungkahi ni Eva na bumili sila ng pusa upang may may bagong kasama ang kanilang nakakabatang kapatid kapag sila’y umaalis.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Di-Lantad at Lantad Na Pangungusap

Leave a Comment