Bakit Mayroong Ugnayan Ng Mga Pangyayari Sa Ating Lipunan? (Sagot)
UGNAYAN NG PANGYAYARI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang Ugnayan Ng Pangyayari Sa Lipunan at ang mga halimbawa nito.
Sa ating lipunan, maraming mga pangyayari ang nagaganap sa araw-araw. Pero, sa unang tingin, ang mga simpleng gawain natin sa ating lipunan at ang mga isyung lumalaganap ay dahan-dahang lumalaki.
Ito’y dahil maaari nating tignan ang isang lipunan bilang isan “ecosystem” ng mga tao. Dahil dito, lahat ng mga pangyayari, ano man kaliit ay ma kaugnayan sa isa’t-isa.
Isa sa pinakamalaking halimbawa nito ay ang hindi tamang pag tabon ng mga basura. Imbis na sa basura, mas madali lamang na itapon para sa iba ang basura nila sa daan. Kapag titignan natin, isang piraso ng tinapon na plastic ay maliit na bagay. Pero tandaan rin natin na marami rin ang gumagawa nito.
Dahil dito, lumalala ang polusyon sa lipunan at kapag umulan, mas madaling mabaha ang isang lugar dahil sa basurang hindi naitapon ng maayos na pumipigil sa pagpasok ng tubig sa drainange system.
Bukod dito, atin ring kailangang bigyang pansin ang mga mahahalagang isyu ng ating lipunan. Ito’y dahil lahat tayo ay parte nito at dapat tayong makilahok sa usapan patungkol sa ating komunidad.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Etimolohiya? Kahulugan At Mga Halimbawa Nito