Paano Natin Ginagamit Ang Karapatan Sa Tamang Paraan? (Sagot)
KARAPATAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba natin ginagamit ang ating karapatan sa tamang paraan.
Alam naman nating lahat na lahat tayo ay dapat nagkakaroon ng pantay-pantay na karapatan. Bukod dito, lahat ng tao sa mundo ay mayroong tinatawag na karapatang pantao na dapat respetuhin at bigyang halaga.
Pero, paano nga ba ito ginagamit sa tamang paraan? Ang ating mga karapatan ay sagrado at dapat na bigyang halaga. Isa sa mga karapatan natin ay ang karapatan sa mabuting edukasyon, tahanan, at oportunidad.
Subalit, may mga pagkakataon na may ibang tao na umaapak sa ating karapatan para sa pansariling kapakanan. Kapag nangyari ito, maaari nating gamitin ang ating karapatan sa libre pamamahayag upang ipahayag ang pagkakamali na ginagawa sa masa.
Ngunit, ang karapatan na ito ay hindi rin dapat inaabusa. Halimbawa, karapatan natin na magkaroon ng libreng pamamahayag pero kapag ang mensahe natin ay nakakasama sa iba ng walang dahilan, hindi na ito tama.
Kaya naman, naka-angat sa ating mga karapatan ang ating pansariling etika at moralidad. Ito ang nag-uudyok sa atin kung paano natin gagamitin ang ating mga karapatan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Pangangatwiran At Ang Kahulugan Nito