Bakit Gumagawa Ang Isang Tao? (Sagot)
BAKIT GUMAGAWA ANG TAO? – Alam naman natin na ang mga tao ay gumagawa simula pa noong unang panahon.
Dahil sa mga paggawa nila, umunlad ang mga komunidad at nakapatayo ng mga sibilisasyon. Maraming mga dahilan kung bakit gumagawa ang tao, pero karamihan sa mga ito ay naka-ugat rin sa sinaunang dahilan ng paggawa ng tao – ang mabuhay.
Sa panahon ng bato, ang mga tao ay primatibo pa lamang. Ngunit, alam na nila na dapat silang mamuhay. Kaya naman na hati ang trabo ng mga lalaki at babae. Sa panahon na iyon, ang trabaho ng lalaki ay mangtroso at maghanap ng kakaining mga hayop.
Samantala, ang mga babae naman ay kumukuha ng mga halamang makakain katulad ng mga prutas at nagbabantay sa kanilang mga bahay.
Malaki na ang ikinaunlad ng mga tao mula sa panahong iyon. Sa modernong panahon, mas naging komplikado na ang rason ng pagtatrabaho. May mga taong gustong mag trabaho dahil ito lamang ang paraan nila para mabuhay.
Samantala, ang iba gustong magtrabaho para ipakita ang kanilang estado sa buhay, para may ipagmalaki sila. Ang iba naman ay nagtatrabaho dahil gusto nila ang isang bagay o kaya’y mag gusto silang patunayan sa kanilang sarili o sa ibang tao.
Ang mga trabaho ng tao ay naka-angay sa kanilang mga talento at kakayahan. Ito’y posible dahil ang mga tao ay nag-iisip na mga nilalang kaya naman, lumalaki at dumarami ang trabahong puwedeng mapasukan nito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Makabuluhang Tanong Tungkol Sa Kultura – Tanong Sa Kulturang Filipino