Heto Ang Mga Halimbawa Ng Tambalan Na Pangungusap
TAMBALAN NA PANGUNGUSAP – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang tambalang pangungusap at ang mga halimbawa nito.
Ang isang pangungusap na tambalan ay uri ng pangungusap na naaayon sa kayarian. Ito’y naglalaman ng dalawang buong payak na pangungusap na pinagsamasama ng pangatnig katulad ng “o”, “habang”, “at”, “ngunit”, at iba pa.
Heto ang mga halimbawa:
- Gusto ni Peter na sumali sa laro ngunit nahihiya siya.
- Ako’y nag-aaral ng mabuti habang nagtatrabaho para maitaguyod ang pangangailangan ng aking pamilya.
- Ginawa ko ang aking asignatura habang natutulog ang aking bunsong kapatid.
- Pumasok ako sa kwarto at humiga na lamang sa aking kama.
- Si Eva ay bumili ng bag habang ako naman ay pumunta sa isang party.
- Si Jonathan ay nagtatrabaho na habang ang bunsong kapatid nito na si Hector ay nasa kolehiyo pa lamang.
- Ikaw ba ang sasama o si Angel na lang?
Ito ang mga halimbawa ng maiikling tambalan na pangungusap. Mahalaga ang mga ito dahil nagbibigay ang mga tambalang pangugnusap ng paraan upang madaling basahin o pagsamahin ang dalawang ideya.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Hari Ng Karagatan At Lindol – Sino Ang Hari Ng Karagatan/Lindol? (Sagot)
i speak english but im really a fillipino