Ano Ang Ambag Ng Sining At Arkitektura? (Sagot)
SINING AT ARKITEKTURA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang ambag ng sining at arkitektura sa ating kasalukuyang panahon at ang mga halimbawa nito.
Mula pa sa sinaunang panahaon, ang sining at arkitektura ay naging mahalagang bahagi ng kasaysayan. Sabi nga ng iba, ito ay nagbigay daan upang magkaroon ng mas sibilisadong mga komunidad.
Ang arkitektura ay ang pinaghalong sining at siyensiya na tumutukoy sa pagdesenyo ng mga istraktura at gusali. Ang Sining at Arkitektura ay parehong nagsasama-sama dahil ang mismong arkitektura ay masasabi na sining.
Mula sa mga pyramid ng Egypt, papunta sa mga bahay na bato na ginawa ng mga taga-Sumer, ang sining at arkitektura ay makikita sa lahat ng mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan.
Sa mga Griyego, may tatlong pangunahing estilo ng arkitektura na napalaganap, ito ang Ionian, Doric at Corinthian. Ang mga estilong ito ay pinaghalong siyensiya at sining at hanggang ngayon ay makikita pa rin sa ilang mga modernong disenyo.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Ano Ang Palatuntunan? Kahulugan At Halimbawa Nito