Halimbawa Ng Tanka Tungkol Sa Pag Ibig
TANKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbawa ng tanka tungkol sa pag ibig at ang kahulugan ng mga ito.
Ang mga tanka ay mga maiikling tula na nagsimulang sumikat sa bansang Japan. Katulad lamang ng Haiku, ang Tanka ay mahalagang parte ng tradisyon at kultura ng mga hapon. Dahil dito, patuloy pa rin itong ginagamit.
Ang mga tanka ay ginagamit upang ipahayag ang damdamin ng manunulat tungkol sa iba’t-ibang mga bagay lalo na sa pagmamahal. Dahil maikli lamang ang mga tulang ito, dapat pinag-iisipang mabuti ang mga salitang ginagamit upang maipahiwatig ng mabuti ang emosyon ng tagasulat.
Ang pinagkaiba lamang nito sa Haiku ay ang paggamit ng limang linya at sumusunod sa 5/7/5/7/7 na pantig.
Heto ang mga halimbawa ng tangka patungkol sa pag-ibig:
Wala nang iba
Ikaw lamang, Sinta ko
Ang nasa puso
Ikaw ay iingatan
Hinding hindi sasaktan
Apoy ng puso
Sayo lamang nabuhay
Ikaw ang ilaw
Sa madilim kong buhay
Aking araw at buwan
Araw na mulat
Sa may gintong palayan
Ngayon taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Pagkakatulad ng Haiku At Tanka – Kahulugan At Halimbawa