Ano Ang Pagkakaiba Ng Tanka At Haiku? (Sagot)
TANKA AT HAIKU – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pagkakaiba ng mga tanka at haiku at ang mga halimbawa nito.
Ang Tanka at Haiku ay parehong mga maiikling tula na galing sa bansang Japan. Ito ay naging mahalagang parte ng kanilang tradisyon kaya ang mga likhang sining na ito ay binibigyang halaga ng mga Hapon.
Kahit na pareho silang maiikling tula, malaki pa rin ang pinagkaiba ng Tanka at Haiku. Ito ay makikit natin sa mga pantig na ginagamit sa bawat saknong. Ang Haiku ay gumagamit ng 5/7/5 habang ang Tanka ay gumagamit ng 5/7/5/7/7.
Sa Pilipinas, mayroon ring maikling tula na ginagamit ang mga ninuno natin na tinatawag na “Tanaga”. Ang mga tulang ito ay gumagamit ng 7/7/7/7 na pantig sa bawat saknong.
Heto ang mga halimbawa ng Tanaga, Haiku, at Tanka tungkol sa parehong paksa na “Pag-ibig”:
Haiku:
“Ang Aking Sinta
Puso ay ‘sayo lamang
Wala ng iba”
Tanka:
“Apoy ng puso
‘Sayo lamang ang liyab
Handa akong masunog
Para sa iyong yakap”
Tanaga:
Walang ibang maisip
Kundi ang iyong mukha
Sana hindi mawala
Pagmamahal mong tugma
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Tanka Tungkol Sa Pag Ibig – Halimbawa At Kahulugan Nito