Ano Ang Retorika? – Halimbawa At Kahulugan Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Retorika?”

RETORIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang retorika at ang mga halimbawa nito.

Ang retorika ay mula sa mga Griyego. Ito ay galing sa salitang “rhetor” na nangangahulugang “guro o maestro”. Bukod dito, ito rin ang tawag sa mga mananalumpati o orador.

Ano Ang Retorika? – Halimbawa At Kahulugan Nito

Matatawag din natin na masining at mabisang pagpapahayag ng emosyon tungkol sa iba’t-ibang mga paksa sa pamamagitan ng paggamit ng wika. Ang isang retorika ay posibleng gawin sa pamamagitan ng pasulat o pasalita.

Hindi katulad ng ordinaryong pagpapahayag, ang isang retorika ay nangangailangang maging masining, klaro, at nakaka-enganyo sa mga madla, tagapakinig, o tagapag-basa. Karagdagan, ito rin ay maaring gamitin para sa paghimok o pagsang-ayon sa isang paksa.

Heto ang mga halimbawa ng retorika:

Maghahalo ang balat sa tinalupan – matinding gulo o giyera 

“Kapag sinaktan mo ang aking pinakamamahal na anak, sisiguraduhin ko maghahalo ang balat sa tinalupan.”

Salawikain – nagbibigay aral

Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.

BASAHIN DIN: Uri Ng Awiting Bayan Halimbawa At Katangian Ng Mga Ito

Leave a Comment