Paano Makukuha Ang Pantulong Na Kaisipan? (Sagot)
KAISIPAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang pantulong na kaisipan at paano ito makukuha.
Sa isang talata, may mga kaisipan na kailangang bigyan ng suporta. Dito pumapasok ang kaisipang pantulong. Ito ang mga kaisipan na ginagamit upang mapalitaw ang pangunahing kaisipan.
Sa paggamit ng mga pantulong na kaisipan, mas nauunawaan ng mga mambabasa ang diwa na gustong ipahiwatig ng tagasulat sa kanyang talata.
Bukod dito, ang mga kaisipang ito ay kadalasan nating makikita sa mga pangungusap na may dalang pansuportang detalye. Heto ang mga halimbawa:
Ang katatagan ng loob ay importante para sa isang indibidwal. Kapag matatag ang loob ng isang indibidwal, mahaharap niya ang lahat pagsubok. Ano man ang mga problema na dumating ay hindi niya ito tinatakutan. Sa halip, ay buong lakas na hinaharap. Kaya, mahalagang ang isang tao ay may matatag na kalooban.
Ang naka bold na pangungusap ay ang paksang pangungusap. Naka salungguhit naman na salita sa paksang pangungusap ay ang pangunahing kaisipan. Ang naka italic naman ay ang kaisipang pantulong.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Philnews.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Pagsulat At Pagbasa – Halimbawa At Kahulugan
Yhanks